Kinasuhan na ang suspek sa pagmamaslang sa isang pamilya sa San Jose del Monte City sa Bulacan.
Ayon kay San Jose del Monte City Police acting Chief Police Supt. Fitz Macariola, nahaharap sa kasong murder at rape ang suspek na si Carmelino Ibañez, 26-anyos, isang construction worker.
Aniya, ang pag-amin mismo ng suspek ang naging batayan para sa naturang reklamo.
Isinailalim na drug test ang salarin matapos nitong aminin na gumamit siya ng droga kaya nagawa ang krimen.
Batay pa sa naging salaysay ni Ibañez ay mayroon pang dalawa pang sangkot sa naging pamamaslang sa pamilya Carlos at panghahalay sa maybahay na si Estrella at ina nitong si Auring.
Humingi naman ng paumanhin ang suspek nang magkaharap sila ng padre de pamilyang si Dexter Carlos.
By Rianne Briones
Photo: Police Regional Office 3 / via CNNPH