Tiklo ang isang lalaki matapos mahulihan ng P3.4-M na halaga ng shabu sa inilunsad na buy bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa loob ng isang hotel sa Makati City.
Kinilala ng PDEA ang suspek na si Marion Balinas, 39-anyos, residente ng barangay Valenzuela, Makati City.
Nasakote si Balinas sa My Inn hotel sa kalayaan avenue barangay Guadalupe Nuevo, dakong alas-3:30 ng hapon kahapon.
Nakumpiska sa suspek ang nasa kalahating kilo ng shabu, buy bust money, isang pocket knife at dalawang identification cards.
Nahaharap si Balinas sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.