Natukoy na ng mga otoridad ang nasa likod ng madugong ‘Easter Sunday bombing’ sa Sri Lanka.
Ayon kay President Maithripala Sirisena, international drug syndicate ang may kagagawan ng nasabing pagpapasabog.
Sinabi ng pangulo na isang dahilan ang nakikita nila ay paghihigpit sa kaparusahan sa mga naarestong sangkot sa illegal drugs operations.
Ang jihadist group na National Thowheeth Jama’ath (NTJ) ang itinuturong responsable sa suicide bombing sa simbahan at hotels na ikinasawi ng mahigit 200 katao noong Abril.
Tiniyak ng pangulo ng Sri Lanka na hindi siya aatras sa mahigpit na kampanya kontra droga at sa katunayan ay higit pang paiigtingin ang nasabing laban.