Nasa kustodiya na ng Manila Police District ang suspek sa nangyaring hostage-taking sa Sta. CRUZ, Maynila kahapon ng hapon.
Ayon sa report, bandang alas-6:40 kagabi nang maaresto ang 20-anyos na suspek na si Jamel Balacuit at kasalukuyang nakapiit sa MDP-Station 3 Detention Cell.
Sa inisyal na imbestigasyon, hinostage ng suspek ang 3 bata sa isang bahay sa Felix Huertas Street sa Sta. CRUZ.
Agad namang rumesponde ang MPD-Swat Team at nasagip ang mga hostage victim.
Kabilang sa mga kasong kakaharapin ni Balacuit ay alarm and scandal, serious illegal detention, at paglabag sa Republic Act Number 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
By: Meann Tanbio