Pina a-aresto na ng Korte ang suspek na responsable sa kambal na pambobomba sa Hilongos, Leyte noong December 2016.
Kinilala ang suspek na si Jake Anthony alias ‘Yusuf Perez Macuto’ na nahaharap sa kasong frustrated murder kasama ang dalawa (2) pang tinaguriang John Does.
Dahil dito, pinalakas pa ng mga otoridad ang pagtugis kay Macuto at mga kasamahan nito matapos ikalat ang litrato ng mga ito.
Si Macuto ay miyembro ng Maute Group at hinihinalang miyembro rin ng ISIS.
Magugunitang tatlumput dalawa (32) katao ang nasugatan nang pasabugan ang isang park sa kasagsagan ng pista sa nasabing lugar.
By Judith Larino