Arestado at haharap sa patung-patong na kaso ang isang rape suspect matapos makuhanan ng granada, baril, mga bala at marijuana sa kanyang tinitirahan sa lalawigan ng Isabela.
Ayon kay Reina Mercedes Police Station Chief Police Major Christopher Danao, mayroong inihaing search warrant sa bahay ng suspek na inisyu ni Presiding Judge Regional Trial Court Branch 7, City of Ilagan, Isabela Honorable Andrew Barcena.
Dahilan upang makumpiska ng mga otoridad ang isang hand grenade, caliber.22 revolver na may apat na bala, tatlong bala ng caliber 38 at tatlong rolyo ng pinatuyong dahon ng marijuana.
Kinilala ang suspek na si Romeo Mangabat Y Lagrana, limangput tatlong taong gulang na isang magsasaka.
Ani Danao may nakabinbing pang kaso ng panggagahasa si Lagrana na nakapending sa Office of Provincial Prosecutor sa lungsod ng Ilagan.
Nasa kustodiya na ng pulisya si Lagrana habang pinag-aaralan pa ang tamang disposisyon ng mga kasong kakaharapin nito. —sa panulat ni Joana Luna