Tukoy na ng DICT o Department of Information Communication and Technology ang nasa likod ng Independence Day hacking.
Ayaw tukuyin ni DICT Assistant Secretary Allan Cabanlong kung sino ang suspect o suspects subalit nakatakda na aniya nilang i-serve ang warrant of arrest.
Ayon kay Cabanlong tuloy-tuloy rin ang isinasagawa nilang imbestigasyon sa cyber-terrorism.
Tinukoy ni Cabanlong ang mga grupo na humihikayat ng rebelyon at suporta sa ISIS sa pamamagitan ng social media.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
Free public wi-fi
Samantala, target ng DICT na mapalawak ang pagbibigay ng libreng wi-fi sa publiko na sinimulan na sa lahat ng MRT o Metro Rail Transit stations sa Edsa.
Ayon kay DICT Assistant Secretary Allan Cabanlong, plano nilang isunod na ang LRT o Light Rail Transit at iba pang matataong lugar sa Metro Manila sa sandaling maging maayos na ang free wi-fi sa MRT 3 na bumabagtas sa Edsa.
Sa ngayon ay may libreng wi-fi na ang labing tatlong (13) istasyon ng MRT samantalang gagana naman ang libreng wifi sa pagitan ng mga istasyon ng MRT mula Guadalupe hanggang Cubao area.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte