Tinukoy na ng British Police ang pagkakakilanlan ng suspek sa madugong Parliament Building Attack sa London.
Kinilala itong si Khalid Masood, 52-anyos mula sa Central England.
Nabatid na nahaharap ang suspek sa iba’t-ibang kaso gaya ng possession of offensive weapons at public order offenses.
Ang naturang suspek ang responsable sa terror attack sa London na ikinamatay ng tatlo katao at ikinasugat ng 40 iba pa.
By: Meann Tanbio