Nailipat na sa bureau of jail management and penology o bjmp sa payatas, quezon city mula sa camp karingal ang suspek sa nangyaring madugong pamamaril sa loob ng ateneo de manila university campus.
Dinala sa BJMP Quarantine Facility ang suspek na si Dr. Chao Tiao Yumol kasunod ng inilabas na Commitment order ng Branch 98 ng Quezon City Regional Trial Court.
Tatlong bilang ng kasong Murder at Frustrated Murder ang isinampa laban kay Yumul sa Quezon City Prosecutor’s Office.
Mismong ang Quezon City Police District (QCPD) ang naghain ng kaso laban sa suspek na may kaugnayan sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act dahil sa armas na ginamit sa naturang krimen.
Maliban dito, nahaharap din si Yumol sa mga reklamong paglabag sa New Anti-Carnapping Act of 2016 and Malicious Mischief na aabot sa P80,000.
July 24, nang pagbabarilin ni Yumul sa harap ng Arête Building sa Ateno Campus sina former Lamitan,Basilan mayor Rose Furigay, aide nito na si Victor Capistrano, at ang University security guard na si Jeneven Bandiala.
Nag-ugat ang pamamaslang dahil sa personal na galit ng suspek sa dating Alkalde.