Kinilala na ng mga awtoridad ang napatay na suspek sa nangyaring bus hostage drama sa Maynila noong isang linggo.
Ayon sa Manila Police District o MPD, sumadya sa kanilang tanggapan ang kapatid ng suspek upang kumpirmahin ang pagkakakilanlan nito.
Gayunman, hiniling umano ng nakababatang kapatid ng suspek na huwag isapubliko ang kanilang mga pangalan ngunit, sinasabing residente ito ng kalye Ylaya sa Tondo, Maynila.
Ayon pa sa hindi nagpakilalang kapatid ng suspek, nagulat sila sa nangyari gayung isang disenteng tao naman ang kaniyang kuya at itinanggi nito ang mga aligasyong ibinabato laban dito
Magugunitang napatay ng mga tauhan ng MPD Station 5 ang suspek makaraang ambang saksakin na nito ang babaeng hostage gamit ang icepick na nakapasok sa ballpen.
By: Jaymark Dagala