Hawak na ng mga awtoridad ang isang labingpitong (17) taong gulang na estudyanteng suspek sa pamamaril sa isang eskwelahan sa Grasse, Southeast France.
Armado ang nasabing estudyante ng rifle, handgun, revolver at dalawang granada ng pasukin ang Alexis de Tocqueville School at walang habas na mamaril.
Walong (8) tao naman ang naiulat na biktima sa insidente kabilang ang head teacher ng paaralan na ginagamot na sa ospital.
Isinasantabi na ng French government ang anggulong terorismo sa nangyari.
By Krista de Dios