Tukoy na ng mga otoridad ang suspek sa pagpapaputok ng baril na ikinasugat ng kinse-anyos na dalagita sa Malabon city noong bisperas ng bagong taon.
Gayunman, tumanggi si NCRPO Police Chief Director Oscar Albalayde na tukuyin ang pagkakakilanlan ng naturang suspek.
Ayon kay Albayalde, kabilang sa inihahanda nilang kaso laban sa suspek ay attempted homicide at attempted murder.
Inaasahang maisasampa ang kaso, anumang oras ngayong araw na ito.
By MeAnn Tanbio