Tukoy na ng mga awtoridad ang nasa likod ng paghahagis ng granda sa US embassy sa bansang Montenegro.
Itinago lamang sa alyas na DJ ang suspek, isang dating Yugoslavian Army veteran.
Inihagis ni DJ ang pampasabog sa tapat ng embahada sa kabisera na Podgorica at bago magpatiwakal, kahapon.
Wala namang nakitang criminal record ang suspek habang hindi pa matukoy ang motibo nito sa pag-atake.
Ang Montenegro ang naging ika-29 na miyembro ng North Atlantic Treaty Organization noong June 2017 o halos isang dekada matapos ang pagkakawatak-watak ng Yugoslavia noong dekada nobenta.
—-