Tinutugis na ng mga tauhan ng Caloocan at Quezon City Police Station ang suspek matapos pagnakawan ang tatlong simbahan sa Caloocan at Quezon City.
Ayon sa mga otoridad, sinisilip na o pinoprofile na ang suspek matapos makuha ang tracker sa lugar.
Sa pahayag ng pari, nagulat nalang sila na nawawala na ang mga ciborium at bell.
Sa ngayon, patuloy pang iniimbestigahan ng mga otoridad ang pangyayari. —sa panulat ni Angelica Doctolero