Natukoy na ng Pambansang Pulisya ang mga suspek sa pagpapasabog sa loob ng kampo ng Philippine National Police (PNP) sa Sulu.
Ayon kay PNP-OIC Deputy Dir. Leonardo Espina, 9 katao ang kinilala ng kanilang intelligence committee, kabilang na ang lider ng isang grupo, na dati na nilang naaresto.
Kinumpirma din ni Espina ang naunang ulat, na ang Abu Sayyaf, ang nasa likod ng pagpapasabog na ikinasugat ng hindi bababa sa 20 katao.
By Katrina Valle | Cris Barrientos (Patrol 21)