Nadakip na ang mga suspek sa pagpaslang sa magkasintahan sina James Carl de Guzman at Glory Mary Carbonell sa Balanga City, Bataan noong nakaraang linggo.
Ayon kay Bataan Governor Albert Garcia nasa kustodiya na ng PNP ang suspek na kinilalang si Reynaldo Lisay Jr., na isang mangingisda at residente ng naturang lungsod.
Itinuro din ng dalawa pang hinalay umano ni Lisay sa Westland Park kung saan huling nakitang buhay ang magkasintahan.
Nakitang palutang-lutang sa dagat na sakop ng bayan ng Orion at Pilar ang bangkay ng dalawa.
Nauna nang naglabas ng pabuyang nagkakahalaga ng Isang milyong Piso ang tanggapan ni Governor Garcia sa makapagtuturo sa suspek sa nasabing krimen.