Patay matapos na manlaban ang suspek sa pagpatay kay Buenavista, Bohol Mayor Ronald Tirol.
Ayon kay Bohol Chief Supt. Angeles Genorga, sinusubukang pasukuin si Emigdio Aparace sa barangay Concepcion, Danao ngunit pinaputukan nito ang mga arresting officer.
Nagkaroon aniya ng engkwentro na nagresulta ng pagkasawi ng suspek kung saan nakuha pa dito ang kalibre 45 baril.
Si Aparace ang itinuturong lider ng Aparace criminal gang at itinuturing na isa sa most wanted persons sa rehiyon.
Nito lamang Mayo 27 nang matapatay matapos na pagbabarilin Mayor Tirol sa loob ng isang sabungan.