Umamin na sa pagpatay niya kay dating Batangas Congressman Edgar Mendoza at dalawang aide nito ang naarestong suspek ng mga otoridad.
Ipinabatid ito ni PNP-CIDG chief Joel Coronel na nagsabing limang suspek ang hawak nila ngayon at pawang itinuturo ng mga ito ang isang Sherwin Sanchez Punzalan na nag utos para ipapatay ang dating kongresista.
Si Punzalan, na convicted sa kasong murder nuon pang 2015 at nakakulong sa New Bilibid Prison (NBP), ay sinasabing kliyente ni Mendoza.
Ayon kay Coronel, ibinunyag ng isa sa mga suspek, na nakilala lamang na si Balbastro, na kinuha nila si Mendoza na kanilang pinagsasaksak at hinampas sa ulo, at patay na ito nang dalhin nila sa Tiaong, Quezon at duon sinunog.