Naaresto na ng Philippine National Police o PNP ang suspek sa pagpatay kay dating La Union Congressman Eufranio Eriguel.
Kinilala ito na si Felizardo Villanueva alyas Rambo na tumakbong barangay chairman sa Capas, Agoo La Union.
Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde, kumpirmadong election related violence ang pamamaslang kay Eriguel.
Hinala ng hepe ng PNP, nagalit ang suspek dahil hindi ito ang inendorso ng dating kongresista noong panahon ng kampanya.
Pinaslang si dating Congressman Eriguel noong Sabado habang nagtatalumpati sa meeting de avance sa Agoo La Union.
—-