Pinayagan ng korte sa Angeles City na makapaglagak ng piyansa si dating Police Col. Rafael Dumlao na itinuturong mastermind sa pagpatay korean businessman na si Jee Ick Joo.
Nagkakahalaga ng P300,000 ang piyansa sa bawat kasong ni Dumlao.
Humarap ang dating police colonel sa mga kasong kidnapping for ransom, kidnapping with serious illegal detention at carnapping.
Naging batayan ng korte sa naturang desisyon ang pagiging mahina umano ng evidence of guilt laban kay Dumlao.
Samantala, ibinasura naman ang petisyong makapagpiyansa sina SP03 Ricky Sta. Isabel at Jerry Omlang na dawit din sa pagdukot at pagpatay sa negosyante.
Matatandaan, Oktubre 18 taong 2016 nang arestuhin sa isa umanong anti-drug operation at dukutin si Jee at kasambahay na si Marisa Morquicho mula sa bahay ng biktima sa Angeles City.