Malapit-lapit nang matukoy ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang suspek sa pagbaril at pagpatay sa Philippine eagle na si Pamana.
Sa isinagawang pagdinig ng Senado, sinabi ni Biodiversity Management Bureau Director Theresa Mundita – Lim na kasalukuyan na nilang kinukumpleto ang mga detalye bago hingin ang tulong ng mga otoridad.
Sa kasalukuyan, sinabi ni Lim na aabot na sa kalahating milyong piso ang naka-atang na pabuya sa sinumang makapagbibigay impormasyon upang masukol ang suspek.
Kasunod nito, inamin din ni Lim na wala pa silang lead sa kung sino naman ang pumatay sa isa pang agila na si Minalwang noong 2013 sa Misamis Oriental.
By Jaymark Dagala