Natagpuang patay sa loob ng Lapu-Lapu City Jail ang suspek sa pagpaslang sa teenager si Christine Lee Silawan sa Cebu.
Ayon kay Central Visayas Police Chief Brigadier General Albert Ignatius Ferro, wala nang buhay nang makita ng kapwa nito inmate ang suspek na si Renato Llenes na nakabigti sa loob ng palikuran ng pasilidad.
Isinugod pa si Llenes sa klinika ng pasilidad at agad ding dinala sa Lapu-Lapu City District Hospital pero idineklara na itong dead on arrival.
Magugunitang, inamin ni Llenes ang pagpatay kay Silawan kung saan sinabi nitong gumamit siya ng gunting para balatan ang mukha ng dalaga.
Marso 11 ng nakaraang taon nang matagpuan ang bangkay ni silawan na brutal na pinatay sa isang bakanteng lote sa Barangay Bankal, Lapu-Lapu City. —ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)