Tinutugis na ng mga awtoridad sa Sulawesi, Indonesia ang mga responsable sa pagpatay sa 4 na indibidwal.
Ayon sa pulisya, naganap ang pag-atake sa mga miyembro ng isang Christian group sa Lembantongoa Village.
Hinarang umano ng mga salarin ang mga biktima bago isinagawa ang pagpatay kung saan ang ilan dito’y pinugutan at sinunog nang buhay.
Batay naman sa paunang imbestigasyon, lumalabas na walang kinalaman sa relihiyon ang naturang pag-atake.