Sinampahan na ng kasong murder ang mga suspek sa pagpatay sa broadcater na si Edmund Sestoso.
Humarap si Lourdes Sestoso, biyuda ng pinatay na mamamahayag sa Dumaguete City Prosecutor’s Office upang magsampa ng kaso laban sa mga suspek na kinilala lamang na sina alyas “Mokong” at “Sherwin.”
Umapela rin si ginang Sestoso kina “Mokong” at “Sherwin” na lumutang upang mabigyang linaw ang pagpatay sa kanyang mister.
Abril 30 nang pagbabarilin ang 50-anyos na broadcaster ng “riding-in-tandem” malapit sa kanyang bahay sa barangay Daro matapos ang kanyang news and public affairs program na “Tug-Anan sa Power 91″ DYGB 91.7 FM.
—-