Napaslang sa operasyon ng mga awtoridad ang suspek sa pamamaslang sa isa sa tinaguriang doctors to the barrio na si Dr. Dreyfus Perlas sa Kapatagan, Lanao del Norte.
Ayon kay Lt. Col. Audie Mongao, pinuno ng 15th infantry battalion ng Philippine Army, nagtangka pang tumakas ang suspek na si Agapito Tamparong na may mga alias na Tamparong Mantad, Rico at Darwin nang isisilbi nila ang arrest warrant laban dito.
Sinabi ni Mongao na naglabas pa ng granada ang suspek kaya’t binaril ito ng mga awtoridad.
Inisyu ni Kapatagan RTC Judge Alberto Quinto ang arrest warrant laban kay Tamparong para sa double murder at frustrated murder cases.
By Judith Estrada-Larino