Kinasuhan na ang suspek sa pagkamatay ng isang kadete ng Philippine Merchant Marine Academy (PMMA) na natagpuan sa barracks sa San Narciso, Zambales.
Ipinabatid ni PMMA Chief of Staff of the Superintendent Chuck Dela Cruz na sinampahan na ng homicide case si Cadet 3rd class Jomel Gloria sa Office of the Provincial Prosecutor.
Hawak na ng mga otoridad si Gloria na ayon kay Dela Cruz ay nakipag ugnayan kaagad sa pamunuan ng pmma at umaming hindi sinasadya ang dalawang beses na pagsuntok sa dibdib ni cadet 4th class Jonas Bondoc.
Magkaibigan aniya sina Gloria at Bondoc kaya’t wala siyang alam na nag away ang mga ito.
Kaugnay nito, sinabi ni Dela Cruz na lumalabas sa imbestigasyon ng pmma gayundin ng prosecutor na walang hazing na sangkot sa insidente.