Naaresto na ng pulisya ang suspek sa pagpatay sa isang babae at lalaking Hapones sa Pasig City.
Kinilala ang suspek na si Christian Leona na itinuturong pumatay sa kanyang girlfriend na si Ana Marie Dalusong, 38 anyos at Yasunori Mori, 73 anyos.
Naganap ang krimen sa bahay ng mga biktima sa barangay manggahan kung saan natagpuan ang kanilang mga bangkay dakong alas otso ng gabi noong Marso 28.
Ayon sa Pasig City Police, sinakal umano ni Leona si Dalusong habang si Mori, na tiyuhin ni Ana Marie ay 13 beses sinaksak.
Batay sa imbestigasyon, tinangka umanong makipag-hiwalay ni Ana Marie kay Christian dahilan upang isagawa nito ang krimen.
Nahaharap ang suspek sa kasong murder at theft matapos mapag-alamang nawawala ang ilang gamit ng mga biktima.