Isang retiradong sundalo ang patay matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa bayan ng Allacapan, Cagayan.
Kinilala ang biktima na si Danilo Fombuena, 57 anyos.
Ayon sa Allacapan Municipal Police, naabutan nila na nakabulagta ang biktima, sinubukan pa umano nila itong dalhin sa Municipal Health Office pero hindi na umabot ng buhay.
Posibleng matindi ang galit ng mga salarin kay Fombuena dahil naubos ang isang magazine ng caliber 45 pistol na ginamit sa krimen.
Samantala, patuloy na pinaghahanap ng pulisya ang mga salarin. —sa panulat ni Mara Valle