Hawak na ngayon ng Eastern Samar Provincial PNP ang suspek sa pagpatay sa mag-ina sa General Trias sa Cavite noong Disyembre 11.
Ayon kay Eastern Samar Police Director S/Supt. Tranquilino Araral, isinailalim na nila sa booking procedure ang suspek na si Ruel Cabatingan.
Sinabi ni Araral na sumuko sa kanila si Cabatingan kaninang umaga kung saan kanyang inamin ang ginawang pagpatay sa mag-inang sina Ruby Ramos at pitong taong gulang na anak nito.
Sinasabing dumating si Araral noong Disyembre 14 sa bahay ng kanyang mga kamag-anak sa Borongan, Eastern Samar kung saan ito nakituloy.