Naaresto na ang gunman sa pagpatay kay businessman Dominic Sytin.
Ang suspek na si Edgardo Luib alias Inject ay nadakip sa Batangas nitong nakalipas na March 5 sa bisa ng dalawang arrest warrant sa kasong murder.
Nakuha mula ss suspek ang isang carbine rifle, isang caliber .45, isang caliber .40 glock at isang malaking sachet ng marijuana.
Sinabi ni PNP Chief Oscar Albayalde na itinuro ni Luib ang nakababatang kapatid ni Sytin na siyang mastermind sa pagpatay sa negosyante dahil sa umano’y away sa negosyo ng mga ito.
(Ulat ni Jaymark Dagala)
Suspek sa pagpatay kay Sytin nakatakda nang kasuhan
Nakatakdang kasuhan ng PNP-CIDG o Criminal Investigation and Detection Group sa DOJ o Department of Justice ang magkapatid na sina Dominic at Ryan Sytin kaugnay ng pagkakapatay sa kanila ring kapatid at negosyanteng si Dominic Sytin.
Ito ay makaraang ituro ng naarestong gunman sa pagpatay kay Sytin na si Edgardo Luib ang magkapatid na Ryan at Dennis Sytin na siyang utak sa pagpatay sa kanilang kapatid.
Ayon kay CIDG Chief Maj/Gen. Amador Corpus Jr, mga kasong murder at frustrated murder ang kanilang isasampa laban kina Dennis at Ryan Sytin maging sa gunman na si Luib at sa isa pang John Doe na nagsilbi ring taga-tiktik sa galaw ni Dominic.
Sinabi naman ni Police Regional Office 3 Director Senior Supt. Joel Coronel, away magkapatid ang kapwa nilang tinututukang anggulo ng CIDG dahil namamalakad ang magkakapatid sa kumpaniyang United Auctioneers Incorporated na pumapasok sa buy and sell ng mga heavy industrial equipment.
(Contributor: Krista De Dios)