Nagharap na ang pamilya ng pinaslang na traffic enforcer na si Ernesto Paras at ang suspek na si Geronimo Iquing
Hindi naitago ng misis ni Paras ang kaniyang galit nang makita si Iquing kung saan, lumuluhang pinaghahampas nito ang suspek
Habang papalabas naman sa briefing area ng Kampo Crame si Iquing, isang lalaki na sinasabing kaanak ni Paras ang biglang nanapak sa suspek
Bahagyang nagkatensyon sa lugar ngunit agad naman itong inawat ng mga pulis habang humingi naman ng tawad si Iquing sa pamilya ni Paras sa pagpatay nito sa enforcer
Suspek sa pagpatay sa traffic enforcer, nagpaliwanag
Nagpaliwanag ang suspek na si Geronimo Iquing kung bakit nito napatay ang traffic enforcer na si Ernesto Paras nuong Biyernes
Sa paghaharap nila Iquing at ng pamilya Paras sa Kampo Crame , sinabi nitong napikon siya sa enforcer kaya’t nagawa niya itong sagasaan matapos pagbabarilin
Magugunitang nangyari ang pagpatay ni Iquing kay Paras nang tanggalan ng plaka ang sasakyan nito na naka-double parking sa bahagi ng Cubao Quezon City
Bagama’t humingi ng tawad si Iquing sa pamilya ng nasawing si Paras, hindi naman ito tinanggap ng kabiyak ng enforcer sa halip, desidido itong ituloy ang kaso laban sa suspek
By: Jaymark Dagala