Patay na ang suspek sa pagsabog ng isang granada sa Jolo, Sulu na ikinasawi ng 4 katao.
Ayon kay ARMM PNP Director, Chief Supt. Reuben Theodore Sindac, namatay ang 22 anyos na si Sedimar Rabbah dahil sa multiple hematoma matapos i-mob o pagbubugbugin ng taumbayan.
Sinabi ni Sindac na si Rabbah ay inaresto ng mga otoridad matapos bugbugin ng taumbayan na humabol dito nang makitang naghagis ng granada sa isang grocery store sa Sitio Lambayong sa Barangay Bus-Bus.
By Judith Larino