Arestado sa Maynila ang isang lalaking suspek sa pamamaril dahil sa utang sa Angeles, Pampanga Martes ng madaling araw.
Ayon kay Police Captain Philippines ng Manila Police District, binaril sa dibdib ang biktima ng wala umano itong maibigay matapos maningil ng suspek.
Namataan naman ito ng ilang kamag-anak sa Malate nang tumakas mula sa Sitio Ipil, Barangay Malabanias, Angeles City, Pampanga at agarang inireport sa Malate Police na nagsagawa ng follow up operation matapos makumpirma ang nasabing insidente.
Naiturn-over na ng mga pulis Maynila ang suspek sa Angeles City Police at nahaharap ito sa kasong frustrated homicide. —sa panulat ni Airiam Sancho