Sinadya umano ng suspek ang pamamaril sa isang airport sa Florida, USA na gawin ang nasabing pag-atake sa nasabing paliparan.
5 ang patay habang 6 ang sugatan nang mamaril ang 26 na taong gulang na Iraqi War Veteran na si Esteban Santiago kahapon sa Fort Lauderdale Airport.
Batay sa imbestigasyon, naicheck-in ni Santiago ang nine millimeter semiautomatic na baril sa flight nito mula Alaska.
Inaalam pa ng mga otoridad ang nagtulak kay Santiago upang gawin ang krimen.
Samantala, balik-operasyon na ang nasabing paliparan ngunit nananatiling sarado ang terminal kung saan naganap ang pamamaril.
By: Avee Devierte