Patay ang isa sa mga suspek sa pambobomba sa Koronadal City, South Cotabato matapos ang operasyon ng Philippine army sa bayan ng M’lang, North Cotabato.
Kinilala ni Lt. Col. Rommel Mundala, Commanding Officer ng 90th Infantry Battalion ang suspek na si Monir lintukan habang naaresto ang kasabwat nitong si Randy Saro, alyas Bobong.
Nagsasagawa ng Military at Law Enforcement Operations sa barangay dunguan nang maka-engkwetro ng army ang grupo nina lintukan.
Narekober ng mga tropa ng gobyerno ang ilang armas, bala at improvised explosive device (IED).
Pinaniniwalaang miyembro ang dalawa ng Dawlah Islamiyah-Maguindanao group na pinamumunuan ni Almoben Camen Sebod alyas Polok.
Sangkot umano ang grupo sa iba’t-ibang criminal activities at pinaniniwalaang nasa likod ng magkasunod na pambobomba sa Koronadal at Tacurong cities.