Patay ang suspek sa panggagahasa at pagpasalang sa isang beauty queen sa Island Garden City of Samal, Davao del Norte, matapos umano mang-agaw ng baril sa kanyang police escort.
Ayon kay Igacos Police Chief Superintendent Noel Asumen, dakong 4:30 kaninang madaling araw ng magreklamo ang suspek na si Elvin Juna na sumasakit ang kanyang tiyan.
Aniya, dadalhin na sana si Juna sa ospital pero natanggal umano nito ang kanyang posas gamit ang isang maliit na wire at nang-agaw ng baril sa isa sa kanyang police escorts kaya napilitan silang barilin ito.
Matatandaang, si Juna ay naaresto noong Hulyo 20, matapos makita ang kaniyang jacket sa lugar malapit kung saan natagpuan ang bangkay ng biktima na si Kimberly Autida.
Batay din sa ulat, inamin ni Juna na pinatay at ginahasa niya ang 19 anyos na biktima.
- Krista De Dios