Itinanggi ni Special Assistant to the President Bong Go na kilala niya ang pamilya ng suspect sa road rage incident sa Cebu.
Paliwanag ni Go, tinawagan siya ng kanyang kaibigang negosyante sa Cebu para sa ligtas na pagsuko ni David Lim Jr.
Ayon kay Go, ang ina ni Lim ang tumawag sa kanyang kaibigang negosyante upang humiling ng payo hinggil sa marapat na gawin ng anak.
Paliwanag ng Presidential Assistant, pinayuhan niya si Ginang Lim na isuko ang anak sa Regional Director ng PNP o Philippine National Police sa lalong madaling panahon at tiniyak ang kaligtasan ng suspect.
Ang nakababatang Lim ang bumaril sa isang nurse makaraang magkagitgitan ang kani-kanilang mga sasakyan sa trapiko.
By Avee Devierte