Positibong namataan sa Boracay si Fredison Atienza na suspek sa insidente ng road rage sa Quezon City noong Pebrero 25.
Ayon kay Sr. Inspector Jess Baylon, hepe ng Malay, Aklan Police Station, ito ay batay sa isinagawa nilang surveillance.
Nagsasagawa na ngayon ng manhunt operation laban kay Atienza ang pinagsanib na pwersa ng Aklan Police at Quezon City Police District.
Nakipag-unayan na rin ang mga otoridad sa aviation police para madakip agad si Atienza sakaling mamamataan ito sa mga paliparan.
By Meann Tanbio