Patay ang isang lalaki matapos magwala at sunugin ang kanyang bahay sa Paranaque City.
Problema rin ang mga kapit-bahay ng 48 anyos na suspek na si Elmer Junsay matapos madamay ang kanilang mga bahay sa ginawa nito.
Ayon sa anak ni Junsay, itinigil ng ama ang pag-inom ng gamot nito sa depression at nang magwala ito at nanakit ay hindi na rin nila malapitan.
Nagkulong umano si Junsay sa bahay na kanyang sinunog at naging dahilan ng kanyang pagkasawi.
Nagpaabot na ng ayuda ang barangay sa mga pamilya ng sampung bahay na nadamay sa ginawang panununog ng suspek sa sariling bahay.