Kumpirmadong na-impluwensyahan ng Islamic State of Iraq and Syria o ISIS ang suspek sa “truck attack” sa Manhattan, New York City sa Amerika na ikinasawi ng 8 katao.
Ayon kay John Miller, Deputy Commissioner for Intelligence and Counterterrorism ng New York City Police District, ilang linggo ng pinaplano ng suspek na si Sayfullo Saipov, 29-anyos ang pag-atake sa ngalan ng ISIS.
Ito’y batay sa mga narekober na papel na may Arabic symbols na nagsasabing mananatili habang-buhay ang ISIS.
Bagaman taong 2010 pa aniya dumating si Saipov mula Uzbekistan sa ligal na paraan, naging radikal lamang ang Islamic ideology nito sa Estados Unidos at wala rin itong record na bumiyahe sa Syria o Iraq.
Sa kabila nito, nilinaw ni Miller na maituturing pa lamang na ISIS sympathizer ang naarestong suspek at hindi lehitimong miyembro ng naturang terrorist organization.
—-