Dinepensahan ni Suspended Bureau of Corrections (BuCor) Dir. Gen. Gerald Bantag, ang nakumpiskang mga alak sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).
Kasunod ito ng pagkakasamsam ng aabot sa 12,000 piraso ng assorted items na boluntaryong isinuko ng Persons Deprived of Liberty (PDLs) mula sa Bilibid sa ilalim ng pamumuno ng bagong talagang BuCor Officer-In-Charge Gen. Gregorio Catapang.
Ayon kay Bantag, ang mga nasabing kontrabando ay mga recycled na kung saan, ito umano ang kanilang nakumpiska sa mga nakaraang operasyon.
Sa ngayon, patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad hinggil sa mga nasabat na libu-libong piraso ng alak.