Nanindigan si Suspended BuCor chief Gen. Gerald Bantag na hindi siya susuko sa mga otoridad hanggat nasa pwesto si Justice Secretary Crispin Remulla.
Ito’y matapos masangkot ang pangalan ni Bantag kasama si BuCor Deputy Security head Ricardo Soriano Zulueta na itinuturong mga mastermind sa pagpatay sa batikang broadcaster-commentator na si ka-Percy Lapid.
Ayon kay Bantag, si Remulla umano ay isang magaling na pulitiko na mahusay magmanipula tulad ng ginagawa nito sa kanya.
Iginiit pa ng BuCor chief na hindi siya susuko kahit pa maisyuhan siya ng Warrant of Arrest kung saan, nagpalabas na ng Subpoena ang Department of Justice (DOJ) para kay Bantag.
Sinabi naman ni Prosecutor General Benedicto Malcontento, na ipinapatawag na ng Panel of Prosecutors si Bantag para humarap sa Preliminary Investigation.
Sa darating na November 23, nakatakdang humarap si Bantag para depensahan ang mga ibinabatong akusasyon laban sa kaniya.