Pinagbibitiw na ng mga opisyal ng ERC o Energy Regulatory Commission ang kanilang chairman na si Jose Vicente Salazar.
Ito’y makaraang bigyan ng P1,000 budget ng Kamara ang ERC dahil sa hindi pagsipot ni Salazar sa ginawang deliberasyon nito.
Ayon kay ERC Commissioner Josefina Asirit, tiyak na mahaharap sa mas malaking problema ang ahensya kapag napako sa P1,000 ang kanilang pondo para sa susunod na taon.
Nangangamba naman si ERC Division Chief Sharon Montañer na baka magresulta iyon ng malawakang tanggalan sa trabaho sa susunod na taon.
Magugunitang sinuspinde ng Malacañang si Salazar dahil sa mga reklamo ng katiwalian laban sa kanya na siyang isa sa mga itinuturong dahilan ng pagpapatiwakal ng isa sa mga direktor nitong si Francisco Villa Jr.
AR / DWIZ 882