Malabo nang makabalik pa sa puwesto si ERC o Energy Regulatory Commission Chairman Jose Vicente Salazar na una nang sinuspinde ng Malacañang.
Ito ang pagtitiyak ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil malinaw na nasangkot si Salazar sa katiwalian na kabilang sa mga ikinakampaniyang sugpuin ng kaniyang administrasyon.
Una nang binigyan ng Office of the Executive Secretary si Salazar ng sampung (10) araw para magpaliwanag at sagutin ang mga akusasyong ibinibintang sa kaniya.
Nag-ugat ang mga kaso laban kay Salazar hinggil sa mga maanomalyang kontrata na pinasok ng ERC na siyang naging dahilan ng pagpapatiwakal ni dating Director Francisco “Jun” Villa Jr.
By Jaymark Dagala
Suspendidong chairman ng ERC tutuluyan na ng Pangulo was last modified: May 5th, 2017 by DWIZ 882