Binigyang diin ni Senator Risa Hontiveros sa Energy Regulatory Commission (ERC) na suspendihin ang pagtaas sa singil sa kuryente habang nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon sa rotational blackout.
Ginawa ni Hontiveros ang panawagan kasunod ng anunsyo ng Meralco na magtatas ito ng singil ngayong buwan.
Hindi aniya makatwiran na ipapasa sa konsyumer ang kapabayaan ng mga taga energy sector at distribution utilities.
Iminungkahi ni Hontiveros sa ERC na suspendihin ang panuntunan ukol sa automatic generation rate adjustment .
Sinabi pa ni Hontiveros, dapat magpataw ang ERC ng parusa na magbibigay ng relief sa household tulad ng refund o pansamantalang suspensyon ng pagtaas ng rate para sa distribution at transmission charges.
Una nang inanunsyo ng Meralco na muling magtataas ng singil sa kuryente ngayong buwan ng Hulyo kung saan P47.06 ang madadagdag a sa mga kustomer s na kumonsumo ng 200 kwh.