Ipinasuspinde na ni Department of Environmental and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu ang small-scale mining operations sa Cordillera Administrative Region (CAR).
Ito ang ipinag-utos ni Cimatu makaraang masawi ang nasa halos 70 katao na karamiha’y small-scale miners sa landslides dulot ng malakas na ulang dala ng Bagyong Ompong sa Itogon, Benguet.
Ayon kay Cimatu, magpapadala sila ng mga armed personnel upang ipatupad ang cease and desist order laban sa mga illegal small-scale mining activity.
Pina-kakansela rin ng kalihim ang lahat ng temporary permits sa mga small-scale mining companies sa cordillera bilang unang hakbang kontra iligal na pagmimina habang ang ikalawa ay ang pag-relocate sa mga minero mula sa mga danger area.
Batay sa 2017 report ng Regional Office ng Mines and Geosciences Bureau ng DENR, mayroong apat na large-scale mining operations sa rehiyon.
Ito ay ang Philex Mining Corporation, Lepanto Consolidated Mining Company, Itogon Suyoc Resources at Benguet Corporation na pawang nasa Benguet.