Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Junior na hindi maaapektuhan ng suspensiyon ni acting Chief Benny Antiporda ang operasyon sa National Irrigation Administration (NIA).
Ayon kay Pangulong Marcos, may sapat na tauhan ang NIA na may kaalaman kung paano patatakbuhin ang administrasyon.
Sa katunayan, sinabi ni PBBM na posible pang gumanda ang pamamalakad sa NIA kung walang namumuno dito.
Nag-ugat ang pagsuspinde kay Antiporda sa reklamo nina employees Lloyd Allain Cudal at Michelle Gonzales Raymundo na idinidiin ang kanilang superior sa Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service, Grave Misconduct, Harassment, Oppression at Ignorance of the Law.
Iginiit naman ni Antiporda na walang basehan ang reklamo at pawang alegasyon lamang.