Nilinaw ng Malakaniyang na hindi pa epektibo ang Resolution and Order ng Office of the Ombudsman kung saan sinususpindi si Overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang.
Kasunod ito ng pahayag ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na hindi niya susundin ang kautusan ng Pangulo dahil labag ito aniya sa konstitusyon base na rin sa naunang ruling ng Korte Suprema.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque may sampung araw si Carandang para sagutin ang pag suspindi sa kaniya ng Pangulo bago ito tuluyang magpasya sa nasabing usapin.