Balik na sa aksyon sa tennis sa Abril ng susunod na taon ang Russian tennis star Maria Sharapova.
Ito ay matapos magpasya ang Court of Arbitration for Sport (CAS) na bawasan ang suspensyon nito na nag-ugat sa paggamit nito sa Meldonium.
Ayon sa CAS, mula sa dalawang taon ay ginawa na lamang isang taon at tatlong buwan ang suspensyon sa paglalaro ni Sharapova sa dahilang hindi naman anila intentional doper ang Russian tennis star.
Inamin ni Sharapova na malaking pagsubok ang naturang suspensyon sa kanyang karera kaya naman labis ang kanyang kagalakan at mapapabilis na ang pagbabalik niya sa tennis.
By Ralph Obina