Nanawagan na rin si Senador Kiko Pangilinan para sa suspensyon ng anti-tambay drive dahil sa wala umanong saysay na pagkamatay ng 22 anyos na bilanggo sa Novaliches, Quezon City.
Ayon kay Pangilinan, hindi naman mapapatay ang biktimang si Genesis Argoncillo alyas Tisoy, 22 anyos kung hindi siya inaresto at ikinulong.
Ang pagtatangka anya ng Quezon City police District na pagtakpan ang kaso sa alegasyong may problema sa pag-iisip si Argoncillo ay hindi rin katanggap-tanggap.
Samantala, nababahala rin si Minority Senator Bam Aquino sa pabago-bago umanong pahayag ng Q.C.P.D. sa pagkamatay ni Tisoy.
Hunyo 15 nang arestuhin sa Barangay Sauyo si Argoncillo subalit matapos ang apat na araw ay binawian ng buhay sa QCPD-Station 4 makaraang bugbugin umano ng dalawang kapwa preso.